^

Bansa

DOH umalerto versus US food na may peanut butter

- Ni Ludy Bermudo -

Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) kaugnay sa ulat na may mga produktong pag­kain na nagtataglay umano ng Salmonella na nagdulot na ng outbreak sa 43 esta­do sa Amerika at naka­pam­biktima na ng 470 katao, 6 dito ay namatay.

Partikular dito ang pro­dukto ng Kellog Co. na napaulat na boluntaryong bumawi sa kanilang mga produkto sa mga pamilihan upang suriin kung konta­minado ng Salmonella, isang bacteria na nagdu­dulot ng pagkalason at typhoid fever.

Sinabi ni Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), pinag-aaralan na nila sa ka­salukuyan ang pag-aksiyon sa health advisory na ipi­naskil ng US Food and Drug Administration (FDA) sa kanilang website, na binawi ng Kellog Co. ang kanilang mga produkto.

Inaalam na rin ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) kung rehistrado sa kanilang data base ang mga produkto ng nasabing kumpanya.

Kahit umano hindi re­histrado sa data base ang produkto, magpapakalat pa rin ng field investigators ang BFAD upang tiyakin kung may ibinebenta nito sa mga pamilihan.

Inalerto na rin ng DOH ang publiko na umiwas sa pagkain ng mga produk­tong kabilang sa binawing Kellog Co. na na-iproduce mula noong Hulyo 1, 2008. Posi­ble rin umanong mabili ang mga imported food products stores dito at magmula sa mga padala ng mga kaanak sa Amerika at ibang ban­sa ang nasa­ bing produkto.

Kabilang dito ang Austin Quality Foods Cheese Crackers with Peanut Butter (all sizes); Austin Quality Foods Cheese & Peanut Butter Sandwich Crackers (all sizes); Austin Quality Foods Mega Stuffed Cheese Crackers with Peanut Butter (all sizes); Austin Quality Foods PB & J Cracker Sandwiches (all sizes); Austin Quality Foods Super Snack Pack Sandwich Crackers; Austin Quality Foods Chocolate Peanut Butter Sandwich Crackers (all sizes); Austin Quality Foods Toasty Crackers with Peanut Butter (all sizes);

Austin Quality Foods Reduced Fat Cheese & Peanut Butter Sandwich Crackers; Austin Quality Foods Reduced Fat Toasty Crackers with Peanut Butter Sandwich Crackers; Austin Quality Foods Cookie/Cracker Pack; Austin Quality Foods Variety Pack; Keebler Cheese & Peanut Butter Sandwich Crackers (all sizes); Keebler Toast & PB’n J Flavored Sandwich Crackers (all sizes); Keebler Toast & Peanut Butter Sandwich Crackers (all sizes); Famous Amos Peanut Butter Cookies (2- and 3-ounce); at Keebler Soft Batch Homestyle Peanut Butter Cookies (2..5-ounce).

Batay sa US advisory, iniimbestigahan umano doon ng FDA ang Peanut Corporation of America (PCA), supplier ng peanut paste ng Kellog, na sang­kap ng mga Austin at Keebler products. Kasabay ng payo sa publiko na mag-ingat sa pagkain ng cookies, cake, ice cream at iba pang uri ng pagkain na may sangkap na peanut paste at peanut butter.

AUSTIN

BUTTER

CRACKERS

FOODS

KELLOG CO

PEANUT

PEANUT BUTTER SANDWICH CRACKERS

QUALITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with