^

Bansa

Doña Mary inilibing na

-

Inihatid na sa kanyang huling hantungan kahapon ang namayapang ina ni dating pangulong Joseph Es­ trada na si Doña Maria Marcelo “Dona Mary” Ejer­cito sa San Juan Public Ce­metery na dinaluhan ng nasa mahigit 2,000 katao na kinabibilangan ng mga ka­anak, kaibigan at supporters.

Ganap na alas-12:30 ng tanghali ng ilagak sa kan­yang nitso ang labi ng 103-anyos na si Donya Mary sa Ejercito Musoleum na pag-aari ng pamilya Estrada kung saan dito rin nakahim­lay ang asawa nitong si Don Emilio Ejercito at mga ka­patid ng dating pangulo na sina Tito, George at Connie Ejercito.

Napuno ng mga nagga­gandahang bulaklak ang daaanan papasok sa San Juan Cemetery kung saan 230 pulis ang nag-escort at nagbigay ng seguridad sa nasabing libing habang 10 pari din ang nagsagawa ng funeral mass.

Sa kanyang eulogy, ina­ lala ng dating Pangulo Estra­da ang kabaitan ng kanyang ina at kung pa­paano siya nito pinanga­ngaralan na magda­sal sa Diyos.

Samantala, dumating kahapon sa burol ni Doña Mary si Executive Secretary Eduardo Ermita.

Sinabi ni Ermita na wa­lang halong pulitika ang kanyang pakikiramay sa pamilya Estrada.

Bukod kay Ermita, du­malaw din ang anak ni Pa­ngulong Arroyo na si Pam­panga Rep. Mikey Arroyo, dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Sing­son at DOTC Assistant Secretary Rey­naldo Berroya. (Edwin Balasa/Rudy Andal)

ASSISTANT SECRETARY REY

CONNIE EJERCITO

DON EMILIO EJERCITO

DONA MARY

DONYA MARY

EDWIN BALASA

EJERCITO MUSOLEUM

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with