Isang eroplanong beechcraft five-seater na may registry number na RPC 1970 ang sumadsad sa runway 06 ng Ninoy Aquino International Airport nang masira ang tatlong landing gear nito kahapon.
Nagmula sa Palawan ang eroplano na may kargang mga isda. Isinara ng mga awtoridad ang runway 06 para sa mopping operation. Walang iniulat na nasaktan.
Inilihis muna sa ibang paliparan ang ilang flight. Bumalik lang sa normal ang runway 06 pagkaraan ng ilang oras. (Butch Quejada)