^

Bansa

Dahil sa US plane crash: 15 migratory birds itinaboy sa NAIA

-

Dahil sa pagbagsak ng airbus plane sa Hudson river sa New York bunga ng bird strike, may 15 migratory birds ang itinaboy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang maiwasan ang nasabing kahalintulad na insidente sa bansa.

Gumamit kahapon ng makabagong mga tek­nolohiya ang mga tauhan ng Airport Security Department para maitaboy palayo mula sa paligid ng NAIA ang mga gumagalang ibon sa himpapawirin nito.

Kabilang sa ginamit nila ang pyro tech na nakakalikha ng tunog ng baril na bubulahaw sa mga ibon na dumadayo sa paliparan. Nariyan din ang audio dispersal equipment na ang tunog ay madaling marinig ng mga ibon para maitaboy ang mga ito sa mga runway ng NAIA.

Kadalasan ding ang mga ibon ang isa sa malaking panganib sa mga eroplano lalo na yaong mga nagliliparan malapit sa airport kaya kailangang itaboy ang mga ito.

Bukod dito, inutos ni NAIA-Security and Emergency Services Assistant General Manager Angel Atutubo ang pagpapalabas ng naturang mga instrumento dahil sa nangyari kamakalawa sa isang eroplano na bumagsak sa Hudson River sa New York sa United States nang higupin ng makina nito ang isang ibon habang nasa himpapawirin ang sasakyan.      

Sinabi naman ni Atutubo na maaari ring gamitan ng air rifle ang mga ibon na kritikal sa mga eroplano subalit depende umano kung direkta na ang banta sa anumang commercial plane na nasa paliparan.

Kaugnay nito, nanawagan ang MIAA sa mga residenteng nasa paligid ng airport na iwasang mag-alaga ng kalapati dahil kabilang din ito sa banta ng mga eropplanong lumilipad paalis at palapag sa NAIA at maging ang libu-libong pasahero. (Ellen Fernando)

AIRPORT SECURITY DEPARTMENT

ATUTUBO

ELLEN FERNANDO

HUDSON RIVER

NEW YORK

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SECURITY AND EMERGENCY SERVICES ASSISTANT GENERAL MANAGER ANGEL ATUTUBO

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with