Pagdukot sa 3 Red Cross workers ikinagalit ni GMA
Iniutos kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang imbestigasyon kung paano nakalusot sa Jolo, Sulu ang mga kidnappers ng tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC).
Sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza, nakakapagtakang basta na lamang nakapasok ang mga pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lugar na dapat mahigpit ang seguridad.
Inamin ni Sec. Dureza na lahat sila sa Malacañang ay nagulat sa pangyayari at inaming isang sampal sa bansa ang pagkakadukot sa mga miyembro ng ICRC.
Wika pa ni Dureza, nagalit si Pangulong Arroyo sa insidente kaya agad nitong pinapunta si Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Sulu para mailigtas ang mga kidnap victims.
“Kaya dapat this will be looked into, dahil doon sila dinukot na kalalabas lang nila from provincial jail. Dahil mayroong proyekto silang gagawin doon na makakatulong sa jail system sa Jolo,” sabi pa ni Dureza. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending