^

Bansa

Ping vice president na lang

- Ni Malou Escudero -

Tanging kay Supreme Court chief Justice Rey­nato Puno lamang umano nakahanda si Sen. Panfilo Lacson na mag-give way at isusuko ang ambisyong maging presidente ng bansa sa 2010.

Nilinaw ni Lacson na limitado lamang kay Puno ang kanyang offer at su­suportahan niya ito saka­ling magbago ang isip at tumakbo ring presidente ng bansa sa susunod na taon.

Nauna nang sinupor­tahan ni Lacson ang pana­wagang “moral force” ni Puno matapos mapaba­litang may puwersang nais magpatalsik sa kanya sa puwesto.

Pero itinanggi ni Lac­son na inuudyukan niya si Puno na makisali sa 2010 national elections baga­man sakaling magbago umano ang isip nito ay buo ang suportang matatang­gap sa kanya.

“I’m not urging him to run...but kung sakali if and when he decides to run I’m willing to defer to him and only to him,”sabi ni Lacson.

Tanging kay Puno la­mang umano niya isakri­pisyo ang presidential ambition sa 2010 at hindi aniya sa ibang pumopor­mang tatakbong presi­dente ng bansa.

Sa kasalukuyan ay may kabuuang 5 presiden­tiable ang nagsusulputan na kinabibilangan nina Sen. Manny Villar, Lacson, Loren Legarda, Francis Escudero III, Manuel Ro­xas II, at Makati Jejomar Binay sa panig ng opo­sisyon,

Tatlo naman ang ikinu­kunsiderang administration presidentiables, Vice Pres. Noli de Castro, MMDA Chairman Bayani Fernando at Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

FRANCIS ESCUDERO

JUSTICE REY

LACSON

LOREN LEGARDA

MAKATI JEJOMAR BINAY

MANNY VILLAR

MANUEL RO

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with