Manunumpa ngayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Monetary Board member Ignacio R. Bunye ang bagong set ng Board of Trustees ng Air Material Wing Savings and Loan Association Inc. (AMWSLAI) matapos ang isinagawang election noong December 2008 dito.
Naitalagang muli sina Cols. Antonio S. Gumba; Angel E. Tapac; Lt. Cesar S. Toledanes at Lt. Ricardo Perido habang bagong halal naman sina Col. Thaddeus P. Estalilla, vice chairman; Lt. Cedric V. Reyes, corporate sec retary; Capt. Odelon C. Mendoza, treasurer; Lt. Morado O. Mercado, auditor at Col. Rolando Cacabelos.
Ang AMWSLAI ay pinamumunuan ni Col. Ricardo L. Nolasco Jr., bilang president at Chairman nito, kung saan ito din ay naitatag noong Hunyo 13,1956 ng mga opisyal, enlisted personnel at civilian employees ng 410th Air Materiel Wing ng Philippine Air Force.