Ipinagpaliban sa Hulyo ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad sa pag-iisyu ng resibo ng mga taxi unit sa bansa.
Ayon kay LTFRB Chairman Thompson Lantion, mas maiging mapag-aralan pang mabuti ang naturang proyekto bago ipatupad.
Tutol ang mga grupo ng taxi operators sa naturang hakbang dahil aabutin anila ng P18,000 ang gagastusin sa bawat unit para makapaglagay ng resibo sa taxi na isang malaking epekto sa kanilang arawang kita.
Kapag nailagay na ang resibo sa taxi, wala nang metro at sa resibo na lamang sa mga taxi malalaman ang halaga ng pasahe ng bawat pasahero ng taxi.
Ang issuance ng taxi receipt ay isang programa ng LTFRB at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na layuning maitama ang buwis na naibabayad ng isang operator sa kanilang negosyo. (Angie dela Cruz)