^

Bansa

Pag-isyu ng resibo sa taxi ipinagpaliban sa Hulyo

-

Ipinagpaliban sa Hulyo ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad sa pag-iisyu ng resibo ng mga taxi unit sa bansa.

Ayon kay LTFRB Chairman Thompson Lantion, mas maiging mapag-aralan pang mabuti ang naturang proyekto bago ipatupad.

Tutol ang mga grupo ng taxi operators sa naturang hakbang dahil aabutin anila ng P18,000 ang gagastusin sa bawat unit para makapaglagay ng resibo sa taxi na isang malaking epekto sa kanilang arawang kita.

Kapag nailagay na ang resibo sa taxi, wala nang metro at sa resibo na lamang sa mga taxi malalaman ang halaga ng pasahe ng bawat pasahero ng taxi.

Ang issuance ng taxi receipt ay isang programa ng LTFRB at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na layuning maitama ang buwis na naibabayad ng isang operator sa kanilang negosyo.   (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHAIRMAN THOMPSON LANTION

CRUZ

HULYO

IPINAGPALIBAN

KAPAG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with