Ipinag-utos ni Pangulong Arroyo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na suspindihin ang 3 Filipino construction firm na sinasabing sangkot sa iregularidad sa mga World bank-funded projects.
Ayon kay Budget Sec. Rolando Andaya Jr., iniutos ng Pangulo sa DWPH na pansamantalang suspindihin ang nasabing 3 construction firm sa pagsali sa anumang DPWH bidding para sa locally-funded o foreign assisted projects.
Ang sinuspinde ng WB ay ang E.C. de Luna Construction Corporation na pag-aari ni Eduardo de Luna; Cavite Ideal International Construction and Development Corporation at CM Pancho Construction Inc.
Sinabi ni Andaya na magdedesisyon ang DPWH kung ipupursige ang blacklisting procedures laban sa mga nasabing kompanya sa loob ng 15 araw.
Nakatakda na ring matapos ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa isyu, ayon kay Andaya. (Rudy Andal)