Palasyo sa DOJ, PDEA: Itigil ang bangayan!
Iniutos ng Malacañang sa Department of Justice (DOJ) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tigilan na nito ang kanilang bangayan at sa halip ay asikasuhin ang kani-kanilang mga trabaho.
Sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza, dapat sumunod ang DOJ at PDEA sa naging kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan kaugnay sa kaso ng Alabang boys.
Ayon kay Sec. Dureza, sa halip na magpalitan ng mga komento ay dapat pagtuunan ng pansin ng DOJ at PDEA ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.
“They should just get their act together. They have to comply with the order of the President to work together,” wika pa ni Dureza. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending