Hindi na itutuloy ni State Prosecutor John Resado ang pagsasampa ng kasong libelo laban sa mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa forum sa National Press Club (NPC), sinabi ni Resado na sinunod niya ang kahilingan ni Justice Secretary Raul Gonzalez na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon sa kaso ng Alabang boys.
May punto naman umano ang kalihim sa kanyang suhestiyon kung kaya’t sinunod niya ito.
Bagamat hindi sariling desisyon ang naging rason sa pag-aatras ng kaso, sinabi ni Resado na hindi naman masama ang kanyang loob, depende na sa magiging resulta ng imbestigasyon kung itutuloy nito ang pagsasampa ng kaso sa mga PDEA officials na nagsasangkot sa kanya at sa iba pang prosecutors ng DoJ na tumanggap ng suhol kapalit ng pagbabasura ng kaso ng Alabang boys. (Gemma Amargo-Garcia)