^

Bansa

Libel vs PDEA di na itutuloy

-

Hindi na itutuloy ni State Prosecutor John Resado ang pagsasampa ng kasong libelo laban sa mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa forum sa National Press Club (NPC), sinabi ni Resado na sinunod niya ang kahilingan ni Justice Secretary Raul Gonzalez na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon sa kaso ng Alabang boys.

May punto naman umano ang kalihim sa kanyang suhestiyon kung kaya’t sinunod niya ito.

Bagamat hindi sariling desisyon ang naging rason sa pag-aatras ng kaso, sinabi ni Resado na hindi naman masama ang kan­yang loob, depende na sa magiging resulta ng im­bestigasyon kung itu­tuloy nito ang pagsasampa ng kaso sa mga PDEA officials na nagsasangkot sa kanya at sa iba pang prosecutors ng DoJ na tumang­gap ng suhol kapalit ng pagbabasura ng kaso ng Alabang boys. (Gemma Amargo-Garcia)

ALABANG

BAGAMAT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KASO

NATIONAL PRESS CLUB

RESADO

SHY

STATE PROSECUTOR JOHN RESADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with