Mga kaso sa DOJ pinaiimbentaryo

Ipina-iimbentaryo na ni acting Chief State Prosecutor Severino Gaña Jr., ang humalili sa naka-leave of absence na si Chief State Prosecutor Jovencito Zuño, ang lahat ng mga kasong iniimbestigahan, nakabinbin, naibasura at nasa review ng Department of Justice (DOJ) na may kaugnayan sa smuggling at tax evasion.

Ito’y upang masusing pag-aralan ng DOJ at Asian Development Bank (ADB) ang mga naging proseso at kung paano naidi-dismiss ang isang kaso na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Partikular na pag-aaralan ang mga kasong na­resolba na, nakabinbin, isinasailalim sa imbesti­gas­yon, evaluation/review, may mga resolusyon na, mga kasalukuyang nililitis sa korte at ang mga nadesisyunan na ng korte. Para sa mga rekord ng kaso na kabilang sa ‘dismissed with finality’ o hindi na maaring iapela, isusumite ito kay Assistant Chief State Prosecutor Miguel Gudio.

Hanggang ngayong araw lamang ang palugit na ibinigay ni Gana sa Task Force na humahawak ng BIR at BOC cases para magsumite ng kanilang inventory report. (Ludy Bermudo)

Show comments