Aabot sa 1,200 mi yembro ng National Press Club (NPC) ang inaasahang makikinabang sa insurance benefits na ipagkakaloob sa mga media men sa tulong na rin ng Philippine National Red Cross (PNRC).
Ngayong umaga ay pormal na lalagdaan nina PNRC chairman at Chief Executive Officer Senator Richard Gordon at NPC President Benny Antoporda ang Memorandum of Agreement bilang hudyat sa isa sa napakagandang proyekto ng NPC ngayon para sa mga mamamahayag sa ban sa.
Inaasahang sasaksi sa MOA signing sina PNRC secretary general Corazon Alma de Leon; deputy secretary general Gwen Pang at iba pang opisyal ng NPC.
Sinabi ni Gordon, may 1,200 bonafide NPC members sa buong Pilipinas ang itatala bilang mga ‘Platinum Members’ ng PNRC kung saan ay maari silang makakula ng P300,000 insurance package ng Prudential Guarantee and Assurance Inc.
Bahagi sa insurance package na ito ang ‘accidental death,’ disablement, dismemberment’ at unprovoked murder & assault na nagkakahalaga ng P300,000. (Malou Escudero)