Aerial spraying sa Davao ipinatitigil
Kinalampag kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. si Secretary Lito Atienza ng Department of Environment and Natural Resources upang iutos nito ang pagpapatigil ng aerial spraying ng pesticides sa mga banana plantations sa Davao at iba pang lugar sa Mindanao.
Ayon kay Pimentel, labis na nakakapinsala hindi lamang sa kalikasan ang aerial spraying ng pesticides kundi sa kalusugan din ng mga mamamayan. Ipinaalala ni Pimentel ang isang ordinansa na ipinasa ng city government ng Davao City na nagbabawal sa aerial spraying ng pesticides.
Dapat aniyang gumamit ng mas ligtas na paraan o ground spraying sa mga taninam ng mga saging sa nasabing lugar. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending