Iniulat ni Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman Sr. na ang kanyang anak na si Nasser Jr. ay nagsampa na ng kasong libel laban sa anak na babae ni Delfin de la Paz na si Bambee dahil sa paglalagay nito ng kanyang blog entry hinggil sa gusot na namagitan sa magkabilang panig noong Disyembre 26 sa Antipolo City.
Sinabi ni Pangamdaman na ang kanyang anak na ngayon ay Mayor ng Masiu, Lanao del Sur ay nagsampa ng naturang kaso laban kay Bambina “Bambee” de la Paz dahil masyadong libelous ang nilalaman ng blog entry nito.
Ani Pangandaman, sobrang one-sided ang ginawa nitong account hinggil sa golf incident na lumabas sa mga balita at sa internet na tanging pumapabor sa pamilyang Dela Paz at naglalagay naman sa masa mang reputasyon sa mga Pangandaman. (Angie dela Cruz)