^

Bansa

'Impeach Puno' binira ng media

-

Kinondena kahapon ng National Press Club of the Philippines ang planong pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Reynato Puno.

Ginawa ng NPC ang pahayag matapos kumpir­mahin ni SC Spokesperson Midas Marquez na mayroong natatanggap na report ang korte kaugnay sa planong pagsasampa ng impeachment complaint laban sa punong mahistrado.

Ayon kay NPC President Benny Antiporda, nakaka­ alarma umano ang nasabing report dahil tiyak na malaki ang magiging epekto nito sa larangan ng pamamahayag.

Gayunman, nagpahayag ng suporta ang NPC kay Puno dahil na rin sa integridad, propesyonalismo at dedikasyon nito sa tungkulin.

Sinasabing may mga nagbabalak na maghain ng impeachment complaint dahil tinutulugan umano ni Puno ang kasong diskuwalipikasyon laban kay Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong.

Ayon naman sa tagapagsalita ng Mataas na Huku­man na si Atty. Midas Marquez, lahat ng desisyon ng Korte Suprema ay nakasaad at nakabase lahat sa batas kaya walang basehan na sabihing tinutulugan ni Puno ang kaso ni Limkaichong dahil unanimous decision umano ang pag­papaliban ng promulgation ng nasabing kaso.

Sinabi naman ni House Speaker Prospero Nogra­les sa hiwalay na pahayag na intriga lang at kathang-isip ang napapaulat na pagpapatalsik kay Puno.

Idiniin ni Nograles na walang basehan para tang­galin sa puwesto ang punong mahistrado ng Korte Suprema. (Grace dela Cruz, Gemma Garcia at Butch Quejada)

AYON

BUTCH QUEJADA

GEMMA GARCIA

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRA

JOCELYN LIMKAICHONG

KORTE SUPREMA

MIDAS MARQUEZ

NATIONAL PRESS CLUB OF THE PHILIPPINES

NEGROS ORIENTAL REP

PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with