^

Bansa

Piskal magwewelga

-

Nagbabala kahapon ang State Prosecutor Association of the Philippines na magsasagawa sila ng malawakang protesta o welga bilang pagsuporta sa kanilang mga kasamahan sa Department of Justice na sapilitang pinagbakas­yon o leave of absence.

Ayon kay State Prose­cutor Chrisaldo Rioflorido, ang pagsusuot nila ng pulang armband kahapon ay simula na ng kanilang protesta sa unang araw pa lamang na ipatupad ang kautusan ng Pangulong Arroyo na mag leave of absence ang limang prosecutors na sangkot sa isyu ng Alabang Boys.

Idinagdag pa ni Rioflo­rido na hanggang hindi natatapos ang usapin ng kaso ng mga piskal ng DOJ na sangkot sa Alabang boys controversy ay patu­loy ang kanilang pagsusuot ng armband na pula.

Hindi lamang ang mga piskal ang susuporta dito kundi maging ang mga ordinaryong empleyado ng DOJ at ang mga prosecutor sa ibang bahagi ng ban­sa.

Nanawagan sila sa Pangulo na atasan din ang mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency na mag-leave of absence.

Kahapon din, nagsa­gawa ng tahimik na pro­testa ang mga emple­yado ng DOJ habang ipinahayag ng mga tagausig na nada­dawit sa suhol na magli-leave sila mula Lunes.

Sinabi naman ni DOJ Secretary Raul Gonzalez na, bagaman hindi maa­apektuhan ang operasyon ng departamento sa sapi­litang pagbabakasyon ng mga opisyal nito, madede­moralisa naman ang mga tauhan nito.

“Pinagkakatiwalaan ko sila. Naniniwala ako na hindi dapat kinokondena ang isang tao na hindi duma­ daan sa paglilitis,” sabi pa ng kalihim.

Hindi anya patas ang patuloy na atake sa mga prosecutor at opisyal ng DOJ dahil kahit si PDEA Director General Dionisio Santiago ay nagsabing walang naganap na aktu­wal na panunuhol.

Isang opisyal ng PDEA na si Major Ferdinand Marcelino ang naunang nagparatang na ilang state prosecutor ang ina­ lok ng P50 milyong suhol kapalit ng pagpapalaya kina Richard Brodett, Jorge Joseph at Joseph Tecson na ina­resto noong nakaraang taon dahil sa pagbebenta umano ng bawal na gamot.     

Hinamon naman kaha­pon ni Senador Panfilo Lac­son ang PDEA na tugisin ang mga supplier ng droga ng tinaguriang ‘Alabang Boys’.

Sinabi ni Lacson na dapat matumbok kung saan nanggagaling ang ipinapa­ kalat na droga ng ‘Alabang Boys’ na naging kontrober­siyal ang kaso dahil naha­luan ng diuma­no’y tangkang panunuhol kapalit ang ka­nilang kala­yaan.

“Ang tanong, saan kinu­kuha ng Alabang Boys ang supply ng droga? Yan pala­gay ko ang main mission ng PDEA,” sabi ni Lacson.

Naniniwala ang sena­dor na ang tinatawag na ‘Ala­bang Boys’ ay may mala­king pinagkukunan ng droga at hindi masasabing ‘small time’ lamang ang operasyon ng mga ito.

Pinuri naman nina Lac­son at ng ibang oposisyong senador ang panghihima­sok ni Pangulong Arroyo sa naturang usapin.

Partikular nilang pinuri ang kautusan ng Pangulo na pagbakasyunin ang mga opisyal at tagausig ng Department of Justice na hu­mahawak sa mga drug case.

Pero sinabi rin ni Lac­son na dapat bilisan ang im­bestigasyon upang ma­laman kung sino ang mga walang kasalanan sa mga opisyal ng DOJ at ng maka­balik sila sa kanilang tra­baho.

Maging si Senate Minority Leader Aquilino Pi­mentel Jr. ay naniniwalang isang magandang ideya ang pagbuo ng isang independent panel na mag-iimbes­tiga sa sinasabing suhulan sa kaso ng ‘Ala­bang Boys’.

Kaugnay pa nito, sinabi kahapon ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na iimbestigahan nila ang mga opisyal at prosecutor ng DOJ na sangkot sa suhulan at ang ulat na madalas na pagtungo ng ilang priba­ dong abogado sa depar­tamento.

ALABANG BOYS

BOYS

CHRISALDO RIOFLORIDO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR GENERAL DIONISIO

DOJ

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with