Giit ni Cardinal Rosales, Kapatawaran, hindi death penalty

Kapatawaran pa rin ang dapat na manaig at hindi ang pagpapataw ng parusang ka­matayan sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen sa bansa.

Ito naman ang idiniin kahapon ni Manila    Arch­bishop Gaudencio Cardinal Rosales   kung saan sinabi nito na hindi kamatayan ang mas epektibong pamamaraan upang tuluyan nang matuldukan ang mga krimen sa bansa kundi ang pagpapatawad.

Nabatid na ang pahayag ay ginawa ni Ro­sales bilang pakikiisa sa posisyon ng iba pang opisyal ng Simbahang Katoliko na tutol sa muling pagbu­hay sa parusang bitay o death penalty.

Ayon kay Rosales, bagaman nasa Kon­gre­so naman ang desisyon ukol dito, nananatili aniya ang posisyon ng simbahan sa pagsunod sa utos ng Diyos na “thou shall not kill”.

Kung mayroon aniyang nakagawa ng krimen, mayroon namang tinatawag na “forgiveness” o kapatawaran. Ang pagpapataw umano ng parus­ang bitay ay hindi akma sa Christian values at buo aniya ang paninindi-gan ng Sim­bahang Kato­liko laban dito.

 (Doris M. Franche)

Show comments