Sa gitna nang kina kaharap na isyu nang muling pagkakawatak-watak ng oposisyon sa 2010 presidential elections, ipinahiwatig kahapon ni Sen. Panfilo Lac son na dapat nang magpakasal si Sen. Mar Ro- xas at broadcaster Korina Sanchez upang mapagkasundo nito ang mga presidentiables sa kaniyang kasal.
Ayon kay Lacson, maaaring umpisahan ni Roxas sa pagpapakasal ang pagbuo ng oposis yon kung saan maaari umano nitong kuning ninong si dating Pangulong Joseph Estrada, best man si dating Sen. Manny Villar, at aabay naman sila ni Loren Legarda.
“So yan ang aking suggestion para masusugan, sama-samahin na sa kasal ang taong binanggit ko para mada-ling mag-usap,” sabi ni Lacson.
Samantala, sa isang hiwalay na panayam, nagpasalamat naman si Roxas kay Lacson dahil sa magandang layunin nito sa kaniyang love life.
“Nagpapasalamat tayo sa greetings mula kay Senator Ping at sa kanyang magandang layunin para sa aking love life at sa ating bansa.
Pero ayon kay Roxas, ayaw niyang ihalo ang kan yang personal na buhay sa pulitika.
“Para sa akin, hindi ko ihahalo yong mga bagay para sa puso doon sa mga bagay sa pulitika. Dapat naman talagang hiwalay iyan at poproteksyonan ko iyan,” sabi ni Roxas.
Tumanggi rin si Roxas na kumpirmahin kung magpapakasal siya ngayong 2009 o tuluyan nang ihahayag ang pagtak- bo sa pagka-presidente sa 2010. (Malou Escudero)