Presyo ng bigas tataas; gov't handa
Tiniyak kahapon ng isang opisyal ng Malaca-ñang na nakahanda ang gobyerno sa panibagong pagtaas ng presyo ng bigas bagaman at nalalapit na ang anihan.
Pero aminado si Presidential Management Staff head Cerge Remonde na nakakagulat ang babala ng International Rice Research Institute na tataas na naman ang presyo ng bigas dahil inaasahan aniya ang magandang ani ng palay.
Tiniyak ni Remonde na may nakahanda namang programa ang gobyerno sakaling matuloy ang babala ng IRRS.
Sinabi naman ni deputy presidential spokes- man Anthony Golez Jr. na sinisigurado na ng NFA na makakabili sa kanila ng murang bigas ang mga mahihirap. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending