Bawal ng iimbak sa Camp Crame ang mga nai-impound na behikulo na nakukumpiska ng mga awtoridad sa kanilang isinasagawang mga operasyon.
Ito ang mahigpit na direktiba na ipinalabas kahapon ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa upang maiwasan ang umano’y paggamit ng mga opisyal at tauhan ng PNP sa paggamit ng mga nai-impound na behikulo.
Nilinaw naman ng PNP Chief na ipinagbabawal lamang niya ang pag-iimbak ng mga nakukumpiskang behikulo sa Camp Crame bilang ‘impounding area ‘maliban na lamang kung ito’y sangkot sa paglabag sa Republic Act 7659 (Anti Carnapping Law) o gagamiting ebidensya laban sa krimen.
Sinabi ni Verzosa na hindi rin pinahihintulutan ang mga PNP personnel na mangasiwa sa pangmatagalang pag-kustodya sa mga nakukumpiskang driver’s license at plaka ng mga behikulo kung saan ang mga ito kabilang na rin ang mga sasakyan at dokumento ay dapat na iturnover sa mga opisyal ng Land Transportation Office. (Joy Cantos)