^

Bansa

Na-impound na sasakyan bawal na sa Crame

-

Bawal ng iimbak sa Camp Crame ang mga nai-impound na behikulo na nakukumpiska ng mga awtoridad sa kanilang isinasagawang mga ope­rasyon.

Ito ang mahigpit na direktiba na ipinalabas kahapon ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa upang maiwasan ang umano’y paggamit ng mga opisyal at tauhan ng PNP sa paggamit ng mga nai-impound na behikulo.

Nilinaw naman ng PNP Chief na ipinagbabawal lamang niya ang pag-iimbak ng mga nakukumpis­kang behikulo sa Camp Crame bilang ‘impounding area ‘maliban na lamang kung ito’y sangkot sa paglabag sa Republic Act 7659 (Anti Carnapping Law) o gagamiting ebidensya laban sa krimen.

Sinabi ni Verzosa na hindi rin pinahihintulutan ang mga PNP personnel na mangasiwa sa pang­ma­tagalang pag-kustodya sa mga nakukumpiskang driver’s license at plaka ng mga behikulo kung saan ang mga ito kabilang na rin ang mga sasakyan at dokumento ay dapat na iturnover sa mga opisyal ng Land Transportation Office. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANTI CARNAPPING LAW

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NILINAW

REPUBLIC ACT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with