^

Bansa

People Power vs droga

- Danilo Garcia -

Kasunod ng nakaka­alarmang ulat na numero uno na ang Pilipinas sa may pinakamaraming drug user sa buong Asya, nana­wagan kahapon ang Dangerous Drug Board (DDB) ng “people power” upang magkaisa ang lahat ng Pilipino sa pag­sugpo sa salot na iligal na droga sa bansa.

Bunsod nito, isang 24-oras na ‘action center’ ang itinatag ng DDB upang isumbong ang mga sinasa­bing drug pusher saan­mang sulok ng bansa.

Sa press conference, inihayag ni DDB chairman Vicente ‘Tito’ Sotto III ang 24-hour action center na tatanggap ng ulat at sum­bong na may kinalaman sa ipinagbabawal na ga­mot. Malaking bagay din ito aniya upang maasis­tihan at mabigyan ng im­por­mas­yon ang publiko patungkol sa masamang idinudulot ng illegal na droga sa bansa.

I-dial lamang ang nu­mero 9296623 at madali nang matutugunan ng DDB ang bawat sumbong saka ipapaalam kaagad sa mga ‘concern law enforcement agencies’ ang natu­rang reklamo. Pu­wede ring magtext sa 0917NODRUGS para sa mga Globe subscribers o 0928NODRUGS para sa mga Smart subscribers

Hindi dapat mag-alala ang sinumang magsu­sum­bong dahil mananatili itong lihim o confidential bilang se­guridad na rin sa mga taong nagbibigay ng impor­masyon.  

“Well-meaning citizens can now actively participate in preventing the proliferation of illegal drugs by reporting pushers and users to the action center, either by personally dropping by or calling its 24-hour hot­line,” ani Sotto.

Ang pagkakatatag sa hotline na ito ay kaalin­sabay ng sumambulat na kontrobersiya hinggil sa umano’y suhulan para lamang mapalaya ang mga tinaguriang Alabang Boys na kinasasangkutan ng tatlong anak-maya­mang kabataan.

Ani Sotto, para higit na mapalakas ang kam­ pan­ya laban sa ipinag­baba­wal na gamot at maiwa­san ang mga ga­nitong uri ng kontro­bersiya, mala­king bagay para sa pama­halaan ang masinsinang koope­ras­yon ng taumba­yan. Isang kooperasyong may-iisang layunin-ang mailayo sa masasamang bisyo ang mga kabataan, upang magkaroon sila ng ma­gandang kinabukasan at tuloy mabawasan kundi man masugpo ang krimi­nalidad sa bansa na kali­mitang illegal na droga ang pinagmulan.

Napag-alaman na may 6.7 million drug users na ang naitala sa bansa, base na rin sa 2004 national household survey na isinagawa ng DDB.

Nakahanda ang Hot­line para sa iba pang ‘counseling’ o payo pa­tungkol na­ man sa prob­lema ng mga ma­gulang at komunidad para masug­po ang pagka­lulong ng sinu­man sa ipi­nagba­bawal na gamot.

Ang kontrobersiyal na kaso ng mga Alabang Boys ay binubusisi na ngayon sa Kamara at ina­asa­hang magigisa pa nang husto sa Senado, bukas araw ng Biyernes.

ALABANG BOYS

ANI SOTTO

ASYA

BIYERNES

BUNSOD

DRUG BOARD

PARA

SHY

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with