Mahistrado nag-inhibit sa Alabang boys
Nag-inhibit sa pagre solba sa petition for writ of habeas corpus ang Mahistrado na naitalaga ng Court of Appeals para sa pagpapalaya sa Alabang Boys.
Sa ginanap na raffle, naitalaga kay Associate Justice Juan Enriquez, chairman ng CA 11th division, na maging ponente ng desisyon.
Makakasama sana ni Justice Enriquez sa paghawak sa kaso sina Associate Justices Japar Dimaampao at Sixto Marella Jr.
Subalit ilang oras matapos italaga si Enriquez ay nag-inhibit ito sa kaso.
Dahil dito kaya muling magsasagawa ng raffle bukas ang CA kung kanino mapupunta ang petition for writ of habeas corpus ng mga tinaguaring Alabang Boys.
Matatandaang kahapon ay hiniling sa CA ni Atty. Felixberto Verano Jr., counsel ng Alabang Boys, na palayain sina Richard Brodett at Joseph Tecson dahil ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang kasong droga laban sa kanila. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending