^

Bansa

Utos ni GMA sa DOJ: Alabang boys 'wag palayain!

- Ni Rudy Andal -

Cagayan de Oro City - Iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Justice Secretary Raul Gonzalez na huwag nitong palayain ang tinaguriang “Alabang Boys” at sundin na la­mang nito ang kanyang konsensiya.

Ayon kay Sec. Gon­zalez, mahigpit ang utos ni Pangulong Arroyo nang kausapin siya kamaka­lawa sa Cabinet meeting na ginanap sa ancestral house ng Pangulo sa Iligan City na huwag pa­yagang makalaya ang “Alabang boys” na sina Richard Brodett na pa­mangkin ni PIA chief Conrado Limcauco, Jorge Joseph na anak ng dating broadcaster na si Johnny Midnight at Richard Tec­son.

“Nag-usap kami ni Presidente tungkol diyan sa pag-release. Sabi ni Presidente, do not release these people. Sabi ko, Ma’m, kahit wala kasong utos di ko papa-release ang mga yan. However nakademanda kami ng habeas corpus so we have to follow the court whatever happens here. Naintindihan naman ni Pangulo,” wika pa ni Gonzalez.

Ipinaliwanag pa ng kalihim sa Pangulo na tuloy ang isinasagawang review ng kanyang tang­gapan kaugnay sa sina­sabing “P50 million bribe” maliban na la­ mang kung mayroong magiging ka­utusan ang Court of Appeals sa isi­nampang writ of habeas corpus ng pa­milya ng mga suspek.

Aniya, kung lilitaw sa review ng kanyang tang­gapan na kulang sa ba­sehan upang patuloy na iditine ang mga suspek ay palalayain niya ang mga ito.

Wika pa ni Gonzales, iniimbestigahan din niya kung saan nakakuha ng DOJ stationary ang abu­gado ng Alabang Boys na ginamit para sa pag­ha­handa ng release order.

Ipinaliwanag pa ng DOJ chief, ang naghatid ng nasabing order na inihanda pala ng abugado ng isa sa akusado sa Alabang Boys ay staff ni Usec. Ricardo Blancaflo upang lagdaan niya.

ALABANG BOYS

CONRADO LIMCAUCO

COURT OF APPEALS

ILIGAN CITY

IPINALIWANAG

JOHNNY MIDNIGHT

JORGE JOSEPH

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with