Oobligahin ng Departmenty of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanyang hindi nagkaloob ng kaukulang 13th month pay sa kanilang empleyado.
Kabilang sa tutulungan ng DOLE na makakuha ng 13th month pay ang isang manggagawa na nakapagtrabaho lamang ng 30 araw o anuman ang status nito sa kaniyang pinapasukan.
Nanawagan na rin kahapon si Labor Undersecretary Luzviminda Padilla na sinumang hindi nakatanggap ng 13th month pay na magtungo o tumawag sa DOLE upang mabigyan ng legal assistance ng ahensiya, sa pamamagitan ng Legal Aid Division. Ito’y bunga ng nakarating na ulat na marami umano ang empleyadong napagkaitan ng nasabing bonus o 13th month pay salary.
Gayunman, hindi umano maaring habulin ang hindi nagbigay ng Christmas bonus dahil hindi umano ito compulsory. Ang DOLE ay maaring tawagan sa trunkline na 527-8000. (Ludy Bermudo)