^

Bansa

Di nakatanggap ng 13th month, DOLE ang bahala

-

Oobligahin ng Depart­menty of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanyang hindi nagkaloob ng kaukulang 13th month pay sa kani­lang empleyado.

Kabilang sa tutulu­ngan ng DOLE na maka­kuha ng 13th month pay ang isang manggagawa na nakapag­trabaho la­mang ng 30 araw o anu­man ang status nito sa kaniyang pinapasukan.

Nanawagan na rin kahapon si Labor Under­secre­tary Luzviminda Padilla na sinumang hindi naka­tanggap ng 13th month pay na magtungo o tumawag sa DOLE upang mabigyan ng legal assistance ng ahensiya, sa pamamagitan ng Legal Aid Division. Ito’y bunga ng nakarating na ulat na marami umano ang em­pleyadong napagkaitan ng nasabing bonus o 13th month pay salary.

Gayunman, hindi uma­no maaring habulin ang hindi nagbigay ng Christmas bonus dahil hindi umano ito compulsory. Ang DOLE ay maaring tawagan sa trunkline na 527-8000. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

GAYUNMAN

KABILANG

LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR UNDER

LEGAL AID DIVISION

LUDY BERMUDO

LUZVIMINDA PADILLA

NANAWAGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with