Bihag na Tinyente laya na

Pinalaya na kahapon ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army (NPA) ang bihag nilang si Army Lt. Vicente Cammayo.

Kinumpirma ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Ernesto Tor­res Jr. na itinurnover ng mga rebelde si Cammayo kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Brgy. Kauswa­gan, Lorero, Agu­san del Sur.

Dinala na si Cammayo sa headquarters ng AFP-Eastern Mindanao Command sa Panacan, Davao City para isailalim sa debriefing.

Ang nasabing tinyente ay binihag ng Merardo Arce Command matapos na su­gatang makorner sa engku­wentro sa Brgy. Casoon, Monkayo, Com­postela Valley noong Nob­. 7, 2008.

Nanindigan naman si Torres na walang dapat na ipagpasalamat ang AFP sa NPA rebels sa pagpa­pa­laya kay Cammayo. (Joy Cantos)

Show comments