Bihag na Tinyente laya na
Pinalaya na kahapon ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang bihag nilang si Army Lt. Vicente Cammayo.
Kinumpirma ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Ernesto Torres Jr. na itinurnover ng mga rebelde si Cammayo kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Brgy. Kauswagan, Lorero, Agusan del Sur.
Dinala na si Cammayo sa headquarters ng AFP-Eastern Mindanao Command sa Panacan, Davao City para isailalim sa debriefing.
Ang nasabing tinyente ay binihag ng Merardo Arce Command matapos na sugatang makorner sa engkuwentro sa Brgy. Casoon, Monkayo, Compostela Valley noong Nob. 7, 2008.
Nanindigan naman si Torres na walang dapat na ipagpasalamat ang AFP sa NPA rebels sa pagpapalaya kay Cammayo. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending