Pamilya ng 'Alabang Boys' nagpasaklolo na sa CA
Nagpasaklolo na kahapon sa Court of Appeals (CA) ang pamilya ng mga suspek ng tinaguriang “Alabang Boys”.
Ito ay matapos na maghain ng petition of writ of habes corpus ang abogado ng mga suspek na sina Richard Brodett at Joselito Tecson na si Atty. Felixberto Verano.
Nakasaad sa petition na palayain ang dalawang suspek mula sa kostodiya ng PDEA dahil wala itong balidong dahilan upang patuloy na ikulong sina Brodett at Tecson.
Ang patuloy umanong pagpiit ng PDEA sa dalawa ay malinaw na paglabag sa karapatan ng mga suspek at ng Konstitusyon dahil sa mayroon ng joint inquest resolution na may petsang Disyembre 2 ang DOJ na palayain ang mga ito dahil walang probable cause sa kanilang kaso.
Kabilang sa respondent sa kaso sina PDEA Director General Dionisio Santiago, Major Ferdinand Marcelino at Atty. Alvaro Lazaro. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending