^

Bansa

BI humakot ng all-time high P2-B income sa 2008

-

Sa kauna-unahang pagkakataon nakapagtala ang Bureau of Immigration (BI) ng aabot sa mahigit sa dalawang bilyon pisong kita para sa taong 2008.

Ayon kay BI Commissioner Marcelino Libanan, base sa kanilang datos, as of December 24, 2008, umabot na sa P2.085 billion ang kita ng ahensya.

Ang nasabing halaga aniya ay mas mataas ng P587 million o 39% kum­para sa target ng BI na P1.498 billion para sa ta­ ong 2008.

Habang mas mataas aniya ito ng P373 million o 22% kumpara sa kani­lang kinitang P1.7 billion noong taong 2007.

Sinabi pa ni Libanan, ito ang unang pagkaka­taon na umabot ng two-billion level ang kinita ng ahensya simula ng mapa­sama sila sa billionaires club sa hanay ng mga go­vernment agencies noong taong 2002.

Inaasahan pa umano nilang madaragdagan pa ang nasabing halaga ma­tapos na pumasok sa ka­nilang datos ang collection reports mula sa mga field offices ng ahensya sa mga lalalawigan.

Maliban sa malaking kuleksyon na naitala para sa taong 2008, sinabi ni Libanan na marami ring naisaayos ang ahensya pagdating sa serbisyo sa publiko para sa nasabing taon.

Sa nasabing taon aniya inilunsad ang visa-issuance-made-simple (VIMS) project na naka­tulong uma­no para ma­dagdagan ang kita ng ahensya.

Dahil umano sa VIMS, mas pinadali ang pagpro­seso at requirements para sa visa application. (Gem­ma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AMARGO-GARCIA

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DAHIL

HABANG

INAASAHAN

LIBANAN

PARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with