^

Bansa

Abu Sayyaf lumakas ang puwersa

-

Dahil sa kita sa kidnapping for ransom, tu­maas ang bilang ng pu­wersa ng mga bandi­ dong Abu Say­yaf Group (ASG) sa rehi­yon ng Mindanao.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Armed For­ces of the Philippines (AFP) Public Information Office Chief Lt. Col. Ernesto Tor­res Jr. sa ka­bila ng pagka­kalansag sa kabuuang 62 miyembro ng mga bandido.

Ayon kay Torres, ang pagtaas ng bilang ng ektre­mistang grupo na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom ay sanhi ng akti­bong recruitment ng mga ito nitong nakalipas na taon.

“But you have to consider that it is also possible that they were able to recruit some members. We are still doing an assessment as to how many were recruited during the year,” ani Torres sa mediamen.

Sa ‘year end report’ ng AFP, mula sa kabu­uang 300 fighters ng Abu Sayyaf Group ay na-neu­tralisa ang 62 sa mga ito.

Ang Abu Sayyaf ay sangkot sa serye ng kidnapping, pamumugot ng ulo sa mga sundalo, pam­­bobomba at extortion sa Mindanao Region.

Base sa report ng AFP, inianunsyo ni Executive Secretary Edu­ardo Ermita na may 56 katao ang nakidnap sa kabuuang 26 insidente ng kidnapping sa Min­danao partikular na sa Sulu at Basilan nitong nakalipas na taon.

Sa nasabing bilang, 36 lamang sa biktima ang na-rescue ng tropa ng pama­halaan gayundin sa isina­gawang negosas­yon ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan habang ang iba pa ay nanatiling bihag.

Samantalang aabot naman sa P 45.92 M ransom o board and lodging fees na ibinayad ng pa­milya ng mga biktima na kinabibilangan ng mga sundalo, manggagawa, humanitarian volunteers , estudyante at mga bata kapalit ng kalayaan ng mga ito sa mga kidnappers. (Joy Cantos)

ABU SAY

ABU SAYYAF GROUP

ANG ABU SAYYAF

ARMED FOR

ERNESTO TOR

EXECUTIVE SECRETARY EDU

JOY CANTOS

MINDANAO REGION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with