Pension ng SSS at GSIS itataas
Sinuportahan kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr. (PDP-Laban) ang plano ng ad ministrasyon na itaas ang buwanang pension ng mga miyembro ng Social Security System at Government Service Insurance System.
Ayon kay Pimentel, masyado nang overdue ang nasabing plano at dapat ay maipatupad na ito sa pamamagitan ng pagpasa ng isang batas at pag-amyenda sa charters ng SSS at GSIS.
Ipinunto pa ni Pimentel ang reklamo ng mga SSS retirees sa napakaliit na pension na kanilang natatanggap na halos kulang pa sa pambili ng gamot ng mga retiradong miyembro.
Ang pagtaas ng pensiyon ng SSS at GSIS ay ikinokonsidera na ng mga financial, economic at budget managers ng administrasyon at napag-usapan sa pinakahuling meeting ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) bilang bahagi ng tulong na nais ibigay ng gobyerno sa gitna ng nararanasang global financial crisis. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending