^

Bansa

Trabaho ng tauhan ginampanan ni Libanan

-

Inumpisahan ni Bureau of Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang kanyang trabaho hindi bilang Commissioner ng BI kundi isang ordinar­ yong Immigration Officer at nagtatak sa mga passport ng mga pasaherong dumara­ting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Nagsuot ng uniporme ng isang   ordi­naryong Immigration Officer (IO) si Liba­nan at umupo sa isang immigration coun­ter para tumulong sa pagpro­seso ng mga passport ng mga para-ting na pasa­he­rong Filipino habang pinamahalaan na­man ni Teodoro Pascual ang pagsasa­ayos ng pila ng mga pasahero.

Sinabi ni Libanan, gusto niyang ma­ramdam ng kanyang mga tauhan na hindi lamang siya ang hepe ng BI, kundi isa rin siyang ordinaryong em- ple­yado ng Bureau.

‘I want my personnel to feel that     there is no barrier between me and the IOs. I can also perform what they are   performing, and it feels good sitting in    one of the counters processing pass-ports of our kababayans,’ ayon dito. 

Ayon kay Libanan, lahat ng senior officials ng BI ay kinakailangan na mag-duty sa NAIA bilang Immigration Officers upang magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang ginagawa ng isang IO.

Pinuri ni Libanan ang kanyang mga tauhan sa NAIA dahil sa kanilang gi­ nam­­panang tungkulin noong mag-um-pi­sang dumagsa ang mga turista, OFWs at balikbayan na nagbakasyon sa Pilipinas. (Butch Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

BUTCH QUEJADA

IMMIGRATION OFFICER

IMMIGRATION OFFICERS

LIBANAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

TEODORO PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with