Rent law palalawigin
Iginiit kahapon ni Vice-President Noli de Castro na kailangang palawigin ang pag-iral ng rent control law para sa kapaka nan ng mahihirap nating kababayan na walang sariling mga tahanan.
Ayon kay VP de Castro, chairman ng housing and urban development coordinating council, inendorso niya ang Senate bill 2884 ni Sen. Juan Miguel Zubiri na naglalayong ma-extend sa susunod na tatlong taon ang rent control law mula Enero 1, 2009 hanggang Dis. 31, 2011.
Sinabi ni de Castro, ang panukala ni Sen. Zubiri ay nagtatakda din ng limit sa pagtataas ng renta mula sa P10,000 pababa sa Metro Manila at urban areas at P5,000 naman sa ibang panig ng bansa nang 10 percent lamang.
Aniya, ang pagpapa lawig sa rent control law ay naglalayong maprotektahan ang mga low- income at middle-income na pamilya na nangungupahan at walang sa riling mga tahanan. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending