^

Bansa

'Wag magkalat sa pista ng Nazareno

-

Hiniling ng grupong Eco Waste Coalition na dapat na tiyakin ng publiko na malinis ang gaganaping kapistahan ng Black Naza­rene  sa Enero 9 sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay EWC president Manny Calonzo, da­pat magpakita ng magan­dang halimbawa ang mga deboto ng Poong Naza­reno at tiyaking hindi mag­ging makalat ang kapistahan.

Sa kanyang pahayag na naka-poste sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sinabi ni Calonzo na noong nakaraang taon ay napakaraming plastic bags ng basura ang na­kuha sa Plaza Miranda kasama ang mga straw, plastic bottles, styrofoam, food wrappers at mga upos ng sigarilyo.

Bagaman, kahanga-hanga aniya ang hindi matatawarang debosyon ng mga Katoliko sa Black Nazarene, hindi umano nila mapapalagpas ang tila pagbalewala sa kalikasan.

Nanawagan din ang grupo na huwag nang mag­lagay ng mga banderi­tas na gawa sa plastic at mga happy fiesta banners sa mga lansangan na ma­kadaragdag lamang sa tambak ng basura.

Dagdag pa ni Calonzo, na dahil sa nalalapit na ang 2010 elections tiyak na maraming pulitiko ang sasamantalahin ang kapis­tahan para maglagay ng kanilang malalaking banner at magpa-abot ng pagbati.

Noong nakaraang taon, matapos ang kapis­tahan, kinuhanan ng larawan ng nasabing grupo ang mga kalat sa lansangan sa Quiapo, at ipinadala ang kopya ng mga larawan sa tanggapan nina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales at Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

Ito ay para hingin aniya ang aksyon ng simbahan sa anila ay nakaka-ala­rmang pagkarungis ng kapaligiran.

Para mabawasan ang kalat sa lansangan tuwing kapistahan ng Poong Naza­reno, ipinanukala ng grupo ang apat na basic steps na ginawa noon ng yumaong si Jaime Cardinal Sin nang hikayatin nito ang mga mananampa­layata na gawing zero-waste ang 2003 World Meeting of Families sa Luneta.

Kabilang dito ang pag­babawas sa basura sa pamamagitan ng paggamit ng mas kakaunting resources sa gaganaping pagdiriwang; iwasang gu­mamit ng plastic at disposable items; ihiwalay ang biodegradable at non-biodegradable na basura at ilagay ang mga basura sa mga tamang lagayan para mas madaling isa­gawa ang recycling at hindi mahira­pan ang mga magli­linis at kukulekta nito. (Doris Franche)

AUXILIARY BISHOP BRODERICK PABILLO

BLACK NAZA

BLACK NAZARENE

CALONZO

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

POONG NAZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with