Economic crisis pinatututukan

Nanawagan kaha­pon si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Ro­sales sa mga opisyal ng pamahalaan na tugu­nan at tutukan ngayong pag­pasok ng taon ang prob­lemang hatid ng econo­mic crisis na labis uma­nong makakaapekto sa mga mahihirap.

Ayon kay Rosales, ma­hirap umanong ma­kam­tan ang kapayapaan sa bansa hangga’t ma­raming nagugutom, wa­lang trabaho at walang matirahan.

Aniya, ang ka­hi­rapan na nara­ranasan ng mara­ming pamilya ay isang banta sa world peace.

Bagama’t marami aniya ang nagsasabing sa ikalawang quarter pa ng taong 2009 mara­ram­daman ang epekto ng economic crisis sa bansa, sinabi ni Rosales na dapat agad itong tugunan ng Gobyerno.

Gayunman, nanini­wala si Rosales na ang pagiging likas na ma­awain at mapagbigay ng mga Pinoy ay makatu­tulong para mas maging madali para sa kanila ang harapin ang krisis.

Maging ang pagiging matipid at simple ng mga Pinoy pagdating sa mga materyal na bagay at ang pagkakaroon ng baya­nihan spirit ay malaking bagay upang di sila ga­anong mahirapan.

Nanawagan din si Rosales sa mga Pinoy na maghigpit ng sinturon, at huwag nang gawing ma­garbo ang pagsasagawa ng mga selebrasyon. (Doris Franche)

Show comments