^

Bansa

Sa pagsalubong sa Bagong Taon: 2 patay, 346 sugatan

- Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja, Joy Cantos, , Malou Rongalerios, Danilo Garcia -

Dalawa katao ang na­sawi habang 346 naman ang nasugatan kabilang ang siyam na tinamaan ng ligaw na bala at dala­wang nakakain ng watusi sa pagsalubong sa Ba­ gong Taon sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Sa kabuuan, ayon sa pinagsamang tala ng Department of Health (DOH) at National Capital Region Police Office (NCRPO), bu­maba nang 35 por­syento ang bilang ng biktima ng paputok sa bu­ong Metro Manila kum­para sa naitalang 822 noong nakaraang taon.

Kabilang sa nasawi ay si Renato Quetolonia, 19 anyos, na idineklarang dead on arrival sa Tondo General Hospital mata­pos na masabugan sa mukha ng pla-pla noong hating­gabi ng Miyerkules.

Ayon kay NCRPO Chief Director Leopoldo Bataoil, 16 katao ang bik­tima ng ligaw na bala.

Nakilala ang ilan sa tinamaan ng ligaw na bala na sina Aaron James Lapus,; Jimboy Guma­pac, 14; Romeo Arnaiz; Edu­ardo Bustamante na mina­las habang nama­masyal sa Luneta; at Rafael Lim, 16.

Isang ginang na siyam na buwang buntis ang nasugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong kahapon ng Bagong Taon.

Kasalukuyang gina­ga­­mot sa Rizal Medical Center ang biktimang si Sally Patricia, 35-anyos, at resi­dente ng Lower Bicutan, Taguig City, bunga ng tama ng bala sa kaliwang braso nito.

Samantala, sa Isla Sulok, Valenzuela City, isang 40-anyos na si Al­berto Perez ang namatay makaraang tamaan ng ligaw na bala habang nasa terrace siya ng bahay ng kanyang biye­nan at nano­nood ng fireworks display sa pagsa­lubong sa Bagong Taon kamakalawa. 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Du­que III sa press conference sa East Avenue Medical Center na ang mababang bilang ng mga biktima ng paputok ay bunsod na rin ng pag-ulan noong Miyer­kules hanggang kaha­pon ng umaga.

Malaki din umano ang naitulong ng “scare tactics campaign” ng DOH upang mas lalo pang bumaba ang bilang ng mga biktima ng  paputok. Mananatili na­mang nasa code white alert ang DOH hanggang sa Enero 5.

Nanawagan din si Du­que sa mga local government unit na linisin ang mga bakas ng New Year revelry upang hindi na mapulot pa ng mga bata.

AARON JAMES LAPUS

BAGONG TAON

CHIEF DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

DEPARTMENT OF HEALTH

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DU

ISLA SULOK

JIMBOY GUMA

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with