^

Bansa

DENR binatikos ng Farmers Association

-

Binatikos ng KABALAT Farmers Association, Inc., ang umano’y kawalan ng due process ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos na laba­gin nito ang ilang mga regulasyon kaugnay ng kanilang lupain sa Cuyambay, Tanay, Rizal.

Ayon sa pangulo ng KABALAT na si Yvonne Gal­gana, isang malaking katanungan sa kanila ang pagpapalabas ng DENR ng kanselasyon ng plano samantalang hindi naman tumutukoy ang kautusan ng DENR sa kanilang mga lupain.

Iginiit ng KABALAT na tila hindi alam ni DENR Sec. Lito Atienza ang kan­yang pinirmahang papel kung saan idinedek­lara nitong illegal­ ang mga titulong ibi­nigay sa nasa­bing grupo.

Ang memorandum ni Atienza ay para sa Presi­ dential Proclamation No.776 o para sa 130 ektarya na bahagi ng naunang idinek­lara ni Pangulong Ferdi­nand Marcos na Presidential Decree No.324 o 1,700 ektar­yang lupain saman­talang sakop naman ng KABALAT ang may 755 ek­taryang lupain. Ang 1,700 ektarya ay idineklara ni pangulong Marcos na “Alienable and Disposable lands”

Sinabi Galgana, na hindi man lang din naabi­suhan o nagbigyan ng notice na ibu-buldozer ang lupain na sakop ng KABA­LAT at wala ding nagya­ring mga pagdinig.

Kinuwestiyon din ng KABALAT maling pagsu­sukat ng DENR kung saan nakuha ang ilang sukat ng lupa na bahagi ng grupo. Lumilitaw na wala uma­nong magawa ang DENR upang sakupin ang lupa ng Milestone at Phil­com­sat dahil titulado na ang mga ito kaya’t sinakop ang lupa ng KABALAT. (Doris Franche)

ALIENABLE AND DISPOSABLE

DORIS FRANCHE

FARMERS ASSOCIATION

LITO ATIENZA

NATURAL RESOURCES

PANGULONG FERDI

PRESIDENTIAL DECREE NO

PROCLAMATION NO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with