^

Bansa

Umaapaw na landfill sa Laguna pinabulaanan

-

Mariing kinondena ng isang munisipalidad ang naglabasang ulat hinggil sa umaapaw ng basura sa sanitary landfill sa Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna.

Ayon kay San Pedro Laguna Mayor Calixto Cataguiz, napaka imposible aniya ng paratang na ito laban sa kanila dahil napa­tunayan na minsan na silang pinarangalan ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pagsunod sa tamang regulas­yong ipinaiiral ng munisipalidad ukol sa basura.

Nilinaw ng alkalde na ang mga basurang itinatapon sa kanilang landfill ay nangaga­galing lamang sa mga ilang lungsod at munisipalidad sa Laguna na kinabibilangan ng Muntinlupa City, San Pedro, Biñan, Calamba, Sta Rosa, Cabuyao at mga karatig bayan sa lalawigan ng Laguna.

Napag-alaman na may­roong isang grupo ang nag­nanais na makapagtayo ng sariling landfill sa lugar na naka­laan para sa isang negosyante ngunit itoy nasasakupan ng Dasmariñas, Cavite.

Ayon pa sa Alkalde, isang nagpakilalang ex-Colonel ng PNP at Gen. manager umano ng ARC Land Waste management ang natatandaan niyang nag-apply sa kanila na maka­pagtayo ng landfill pero itoy ibinasura ng Konseho ng San Pedro sa kawalan ng public consultation bukod pa ang mga ipinakikitang huwad na mga dokumento.

Napag-alaman na may umi­iral na batas na isa lamang landfill ang pinapayagan ng batas sa bawat lalawigan.

Dahil dito, hinamon ni Mayor Cataquiz ang sino mang nag-aakusa na personal na bisitahin ang kanilang landfill upang patu­nayan na walang katoto­ha­nang ang mga naglala­basang alegasyon laban sa kanila.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

LAND WASTE

MAYOR CATAQUIZ

MUNTINLUPA CITY

NAPAG

SAN ANTONIO

SAN PEDRO

SAN PEDRO LAGUNA MAYOR CALIXTO CATAGUIZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with