^

Bansa

After 10 years: Pulis na sinibak dahil hindi pumasok ng 67 araw, ibinalik sa serbisyo

-

Nakabalik na sa ser­bisyo matapos ang ma­higit sa 10-taon  ang isang miyembro ng Central Police District (CPD) na sinibak sa kanyang ser­bisyo da­hil sa hindi pag­pasok ng 67-araw.

Sa ipinalabas na de­sisyon ng Supreme Court (SC) en banc, kinatigan nito ang apela ni PO2 Ruel Montoya, ng  CPD Baler station na humi­hiling na tuluyan ng ma­pawalang-bisa ang gina­wang pagsibak sa kanya ng Civil Service Commission (CSC).

Sa desisyon ni Associate Justice  Minita Chi­co-Nazario, inatasan nito ang Philippine National Police (PNP)  na ibalik si Montoya sa kanyang trabaho nang hindi tina­tanggalan ng seniority rights.

Bukod dito inatasan din ang PNP na ibigay kay Montoya ang lahat ng kanyang backwages mula nang siya ay siba­kin hanggang sa kan­yang reinstatement.

Base sa record ng korte, Agosto 15, 1998 ti­nanggal bilang miyembro ng CPD si Montoya ma­tapos na hindi makadalo sa Law Enforcement and Enhancement Course o LEEC sa NCRPO Camp Bagong Diwa, Taguig City dahil sa mayroon umano itong matinding karam­daman.

Naghain ng sick leave si Montoya sa kanyang commander noong Ene­ro 22, 1998 ngunit hindi naaprubahan dahil na rin sa kabilang na ang kan­yang pangalan sa mga inilistang magpa­partisipa sa LEEC.

Sa pagpawalang-bisa naman sa kautusan ng CSC, binigyang-li­naw ng SC na hindi na­bigyan ng due process si Montoya upang ma­idepensa ang kanyang panig laban sa marahas na parusang iginawad sa kanya. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE

CAMP BAGONG DIWA

CENTRAL POLICE DISTRICT

CIVIL SERVICE COMMISSION

GEMMA AMARGO-GARCIA

LAW ENFORCEMENT AND ENHANCEMENT COURSE

MINITA CHI

MONTOYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with