AFP men binalaan

Namemeligrong ma­tanggal sa tungkulin ang mga sundalong magpa­pa­putok ng baril sa pag­salubong sa Bagong Taon.

Kasabay nito, muling binalaan ng Armed Forces of the Philippines ang ka­ nilang mga tauhan laban sa walang patumanggang pagpapaputok ng baril sa nasabing okasyon.

Ang hakbang, ayon kay AFP Public Information Office Chief Lt. Col. Er­nesto Torres Jr., ay nagla­layong mabawasan ang mga biktima ng ligaw na bala na karaniwan ng du­marami sa tuwing magpa­palit ang taon. (Joy Cantos)

Show comments