^

Bansa

Senado makikialam sa murder

-

Bagaman at hindi naman mga pulis kundi mga mambabatas, ba­lak na rin ng isang se­nador na pa-imbesti­ga­han sa Senado ang kasong murder nina Teofilo Mojica, isang dating empleyado ng agriculture at Marlene Esperat, dating agriculture resident ng Ombudsman na kapwa ang pagkakapaslang ay iniuugnay sa fertilizer fund scam.

Sa statement na ipinalabas kahapon ni Sen. Richard Gordon, nangako ito na ipaha­ha­lukay sa mataas na kapulungan ang murder case ng dalawa da­hil sa paniwalang ko­nektado ito sa iniim­bes­tigahang fertilizer fund scam.

Hindi aniya sapat ang mga rebelasyon na milyon-milyong pon­do ng taumbayan ang na­nakaw dahil sa nasa­bing fertilizer fund scam kundi may nagbuwis din ng buhay sa katauhan nina Esperat at Mojica.

Pero aminado si Gor­don na natatakot siya para sa kaligtasan ng mga tesstigo sa nasabing anomalya.

Nauna nang binati­kos ni Gordon ang Om­budsman at ang Department of Agriculture dahil sa hindi pagsasa­gawa ng mas malalim na im­bestigasyon sa pag­paslang kina Espe­rat at Mojica. (Malou Escudero)

BAGAMAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ESPERAT

GORDON

MALOU ESCUDERO

MARLENE ESPERAT

MOJICA

RICHARD GORDON

SHY

TEOFILO MOJICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with