^

Bansa

Marker sa Baguio Mansion bubuksan

-

BAGUIO CITY – Pa­ ngu­ngunahan ngayong umaga ni Pangulong Glo­ria Macapagal-Arroyo ang “unveiling” ng centennial historical marker ng “The Mansion” sa lungsod na ito.

Ang Mansion ang opis­yal na residence ng Pa­ngulo ng bansa at nagi­ ging official summer residence ng First Family. Naging tradisyon din na dito nagdidiwang ng Ba­gong Taon ang Unang pamilya.

Ang The Mansion ay itinayo noong 1908 at naging opisyal na summer residence para sa US-Governors-Generals.

Nasira ito noong 2nd World War at muling ki­ num­puni noong 1947. Mula noon ay nagsilbi na itong holiday residence at working office ng bawat Pangulo ng bansa sa tu­wing bibisita sa Pines City.

Noong 1921 ay nag­pu­long sa The Mansion ang mga miyembro ng Second Philippine Legislature sa loob ng tatlong linggo.

Nagsisilbi rin ito para sa mga pandaigdigang kum­ perensya at may­roong “elegantly-designed” main building at guest house.

Ang main gate ng The Mansion House ay gawa mula sa “ornate iron work” na replica naman ng isa sa mga main gates ng Buckingham Palace sa London.

Paboritong pasyalan ng mga foreign at local tourists ang The Mansion kung saan ay nagpapa­ ku­ha sila ng souvenir photo sa gate nito. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANG MANSION

ANG THE MANSION

BUCKINGHAM PALACE

FIRST FAMILY

MANSION HOUSE

PANGULONG GLO

PINES CITY

RUDY ANDAL

SECOND PHILIPPINE LEGISLATURE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with