Laban sa nagbebenta ng iligal na paputok: Citizen arrest ikinakasa
Hinikayat kahapon ng Department of Interior and Local Government ang publiko na sila na mismo ang umaresto sa pamamagitan ng “citizen arrest” sa mga nagbebenta ng iligal na paputok ngayong paparating ang Bagong Taon.
Isinagawa ni DILG Undersecretary for Public Safety Atty. Marius Corpuz ang panawagan matapos ang mga ulat na patuloy pa ring namamayagpag ang bentahan ng iligal na paputok sa kabila ng pagpapalabas ng Philippine National Police ng listahan ng mga iligal na paputok.
Kung hindi naman umano kaya na magsagawa ng “citizen arrest” dahil sa takot ay maaari namang agad na lumapit sa mga pulis upang dito isumbong ang mga ito. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending