BAGUIO CITY – Nilinaw kahapon ng Malacañang na walang Filipino na nadamay sa napaulat na paglulusand ng air strike ng Israel sa Gaza City.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokeperson Lorelei Fajardo, ito ang iniulat ni Philippine Ambassador to Israel Petronila Garcia.
Wika pa ni Usec. Fajardo,nasa ligtas na kalagayan ang may 21 pamilyang Filipino na naninirahan sa Gaza Strip.
Mahigpit namang ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Foreign Affairs na mag-monitor sa magiging sitwasyon doon.
Umaasa si Pangulong Arroyo na agad na manunumbalik ang katahimikan at maayos agad ang hindi pagkakaunawaan ng Israel at Palestine.
Umaabot sa 31,000 ang OFWs at Pinoy na naninirahan sa Israel habang aabot naman sa 100 Pinoy ang nasa Palestine areas. (Rudy Andal)