^

Bansa

Walang Pinoy sa Gaza air strike

-

BAGUIO CITY – Nilinaw kahapon ng Mala­cañang na walang Filipino na nadamay sa napaulat na paglulusand ng air strike ng Israel sa Gaza City.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokeperson Lorelei Fajardo, ito ang iniulat ni Philippine Ambassador to Israel Petronila Garcia.

Wika pa ni Usec. Fajardo,nasa ligtas na kalagayan ang may 21 pamilyang Filipino na naninirahan sa Gaza Strip.

Mahigpit namang ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Foreign Affairs na mag-monitor sa magiging sitwasyon doon.

Umaasa si Pangulong Arroyo na agad na manunum­balik ang katahimikan at maayos agad ang hindi pagkakaunawaan ng Israel at Palestine.

Umaabot sa 31,000 ang OFWs at Pinoy na nani­nirahan sa Israel habang aabot naman sa 100 Pinoy ang nasa Palestine areas. (Rudy Andal)

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKEPERSON LORELEI FAJARDO

FAJARDO

GAZA CITY

GAZA STRIP

ISRAEL PETRONILA GARCIA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE AMBASSADOR

PINOY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with