^

Bansa

Bihag na sundalo palalayain na ng NPA

-

Nangako ang New People’s Army na pa­lalayain na sa susunod na linggo ang commander ng Philippine Army na kanilang binihag sa gitna ng sagupaan sa Com­postela Valley, noong buwan ng Nobyembre.

Ayon kay NPA spokes­man Rigoberto Sanchez, nagdesisyon silang pala­yain si 1st Lt. Vicente Cammayo bilang “act of goodwill”.

Si Cammayo ay bi­nihag noong Nobyembre 7 makaraang masugatan sa bakbakan sa Ba­rangay Casoon sa bayan ng Monkayo sa Com­postela Valley .

Una nang pinalaya ng NPA ang binihag nilang si PO3 Eduardo Tumol bi­lang bahagi ng pagdiri­wang ng CPP ang ika-40 anibersaryo.

Nagbabala naman si Sanchez na posible pa rin nilang hindi ituloy ang pagpapalaya kung mag­papatuloy ang military offensive laban sa ka­ nila.

Ito’y matapos na iha­yag ng Philippine National Police (PNP) ang ‘suspension of police operations’ laban sa NPA mula Disyembre 31-Enero 1 bilang selebrasyon sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sa kabila nito, sinabi ni PNP chief, Director Gen. Jesus Verzosa na handa pa rin silang i-pull out ang mga pulis sa kaniya-kaniyang unit sa oras na kailanganin sa panahon ng emergency at kung magsasagawa ng pagsalakay ang mga kalaban ng pamahalaan. (Danilo Garcia)

BAGONG TAON

DANILO GARCIA

DIRECTOR GEN

EDUARDO TUMOL

JESUS VERZOSA

NEW PEOPLE

NOBYEMBRE

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with